|
Ramdam na ramdam ko naman na simula ng nagtrabaho ako eh nawala na naman ako sa "eksena". Hindi ko na nga kilala yung mga banda ngayon. Huli kong nagpunta sa 2 gigs na magkasunod para mag-host, nalula ako sa damio ng mukhang hindi ko kilala. Sa lugar pa naman na pamilyar ko. Hindi sapat tong sinusulat ko parang i-express kung gano na ako nawala sa eksena. O kung gano katagal nang wala akong naiinom na musika. Matagal. Madami nang nagsabi sa akin na "akala ko namatay ka na". May nagsabi na din sa akin dati ng 'wala, laos ka na' dahil tinutukoy niyang iba ang crowd ng mga banda sa isang gig na pinuntahan namin. At maari na din sigurong masabi na 'lola' na ako. Dahil dati, walang effort para malaman kung sino ang sino. Kaninong banda si ganitong drummer. Ngayon hindi naman ako nag-eefort. Ayun nga lang, gudlak sa akin. Mahirap maghost ng gigs na hindi mo kilala ang mga bandista. Unprofessional yun! Unless sikat kang DJ from some 'cool' station. Okay lang magkamali ng tawag sa bandang nag-lo-launch ng album at ikaw ang host. Duh. To make the long story short, wala kaseng panahon. Hindi ko alam kung bakit. Eh 9-6 lang naman ang pasok ko sa opisina. Pero parang ngayon, nasa opisina pa ako. Mamayang 9 AM, 24 hours na akong nandito. Tsk, tsk, tsk. |
| Leave a Comment: |